Tuesday, November 23, 2004

Tapatin Mo Nga Ako (courtesy ni Marc Perez)

Tapatin Mo Nga ako (Abang-abang)

Tapatin mo nga ako!Lintik!
Ako'y ginugulo mo!
Bading ka, ayun ang alam ko.
Ano bang balak mo?

Sayang nga dahil mahal kita,

kaya lang iba ka pala.
mukhang barbie din ang type mo.
kaya pala magkasundo tayo.

Kung hindi bakit wala kang gf?

Ni dumiskarte ay di mo magawa.
Lahat ng barkada mo, babae yata.
Teka, meron ka bang powder sa mukha?

Kung lumakad ka maraming kembot,

daig mo pa ang babaeng haliparot.
mas mabango ka sa akin, madalas.
kapag ikaw nga ay minamalas.

Tapos ngayon sasabihin mo trip mo ako?

Teka, diba lalake gusto mo?
Kung akala mo tomboy ako,
hindi po... babae po ako!

Isa pa, kuntento na ako ngayon.

tagal ko ng mag-isa,nasanay ng panahon.
di naman malungkot,
di rin masaya pero sa tingin ko tama na.

Well, single pa nga tayo.

May kanya kanyang race na tinatakbo.
Kung balak mo lang manggulo, mag-isip ka.
Dahil pwedeng kang manalo, dahil mahal pa kita.

Tapatatin Mo Nga ako (Torpe)


Tapatin mo nga ako!
Lintik! Ako'y ginugulo mo!
Di ako bading, ano ka hilo!?
Ano bang balak mo?

Gusto kong mapalapit sayo,

kaya binarkada ko barkada mo.
Pero wala akong diniskartehan,
dahil ikaw ang gusto kong digahan.

Masama bang maging malambot?

Di lang siguro ako sanay sa force.
Pero di ibig sabihin bading ako.
Hello, ikaw nga ang mahal ko.

Halos lahat ng pacute ginawa ko na.

Astringent, chinchansu pinatulan ko pa.
Pero wala eh, ang hirap mong paibigin.
Lahat ng ginawa ko di mo pinansin.

Ok na sana ako nung wala ka,

Pero bakit nagpakita ka pa?
Alam mo bang naramdaman ko?
Hanep, ikaw talaga first love ko!

Ok na ako ngayon, maayos ang buhay ko.

Walang gf, walang gulo.
Sanay na akong mag-isa, matagal na ito.
Mahirap ng umasa pa sayo.

Well, single pa nga tayo.

May kanya kanyang race na tinatakbo.
Kung balak mo lang manggulo, mag-isip ka.
Dahil pwedeng kang manalo, dahil mahal pa kita.

Tapatin Mo Nga ako (Friend 2)
Tapatin mo nga ako!

Lintik! Ako'y ginugulo mo!
May syota ka, may syota ako!
Ano bang balak mo?

Di ko alam ang pinagsasabi mo.

Ang alam ko, ikaw lang ang mahal ko.
Well, yan ay bago itong gf ko.
Noon, head over heels ako sayo.

Sasama ba naman ako sa mga babae,

o kaya magpupuyat sa telepono.
Halos maihi na nga ako kahihintay sayo
Para lang sabay tayo sa pag-uwi mo.

Di ba lahat nilalandi ko?

Pero ikaw lang ang ginagalang ko.
Di mo ba alam, ganun kami magparamdam.
Manhid ka lang talaga, at di mo inalam.

Sayo ako nagsasabi kapag absent ako,

Tingnan mo, tinalo mo pa titser ko.
Isang sabi mo lang, tameme na ako.
Hanep, ikaw lang nakakagawa nito.

Tapos ngayon, ano ito?

Kung nakinig ka sana, sana tayo.
Ngayon, happy ka ba sa bf mo?
O gusto mo lang ng kasalo?

Lumipas na nga ang panahon,

May kanya kanya na tayo ngayon.
Kung balak mo lang manggulo, mag-isip ka.
Dahil pwedeng kang manalo, dahil mahal pa kita.

Tapatin Mo Nga ako (Friend 1)


Tapatin mo nga ako!
Lintik! Ako'y ginugulo mo
!May syota ka, may syota ako!
Ano bang balak mo?

Ok na ang buhay ko.

Masaya na ako sa bf ko.
Kaya please lang, tigilan mo na ako.A
lam mo siguro ang crush ko?

Oo na, may gusto rin ako.

Pero di naman ako ang trip mo.
Dahil kung ako, eh di sana tayo.
Eh bakit iba ang gf mo?

Nagparamdam ako sayo, gaddam!

Parang wala kang pakiramdam.
Ano bang hintayin kita sa uwian,
o ipagluto kita at pagbaunan.

Assignment mo halos ako na ang gumawa.

Excuse mo sa inyo, laging ako na yata.
Minsan pa nga sa pagkain ako ang taya.
Teka, talaga bang di mo nahalata?

Well, tapos na ang mga araw na yun.

May kanya kanya na tayo ngayon.
Kung balak mo lang manggulo, mag-isip ka.
Dahil pwedeng kang manalo, dahil mahal pa kita.


0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Powered by TagBoard Message Board
Name

URL or Email

Messages(smilies)

Read my Dreambook guestbook!
Sign my Dreambook!
Dreambook